MATATANGGAP na ng mga driver ng jeep at bus ang kanilang lingguhang subsidiya sa ilalim ng service contracting program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, nagtalaga na sila ng halaga para sa kada kilomentrong itatakbo ng isang jeep mapa-tradisyunal o modern at mga pampublikong bus na kabilang sa naturang programa.
Napag-alaman na matatanggap ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan ang naturang subsidiya sa pamamagitan ng kanil-ang mga account sa Land Bank of the Philippines (LBP).
Sa mga wala namang LBP account, maaari nilang matanggap ang initial subsidy gamit ang PayMaya o Gcash. DWIZ 883
Comments are closed.