AYUDA SA JEEPNEY DRIVERS TINIYAK NG MALAKANYANG

TINIYAK ng Malakanyang na tatanggap ang mga jeepney driver ng second tranche ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw nilang mangako subalit kapag may natira sa pondo ay posible pang ma-katanggap ng karagdagang ayuda ang mga jeepney driver.

Aniya, plano rin ng Department of Transportation (DOTr) na kunin ang mga jeepney driver  para sa delivery service upang may mapagkakitaan.

Nauna na ring sinabi ni Roque na ang mga walang pinagkakakitaang jeepney driver ay ­maaaring kunin bilang contact tracers sa kampanya ng gobyerno kontra CO­VID-19.

Ayon pa kay Roque, pinabibilisan na ang jeepney modernization upang magkaroon ulit ng trabaho ang mga jeepney driver.

“Pag-aaralan kung may matitira para magkaroon sila ng additional tranche, wala pong pangako ‘yan pero titingnan talaga natin kung mayroong matitira at mapupunta ‘yan sa mga walanghanapbuhay.

At pangatlo, ‘yung jeepney modernization ay siguro pabibilisan para ‘yung mga mawawalan ng trabaho sa traditional jeepneys ay pupuwedeng mag-shift sa mga modern jeepney,” ani Roque.  DWIZ 882

Comments are closed.