AYUDA SA MALILIIT NA NEGOSYO

Sen Pia Cayetano

UPANG lalong lumago at lumawak ang micro and small enterprises (MSEs), isusu­ long ni Senadora Pia Cayetano ang Tulong Puhunan Bill na magpapatupad ng microfi­ nance program para sa mga maliliit na negosyo sa bansa.

Sa panukala ni Cayetano, tutulungan ang mga nagnanais na magtayo ng maliit na pagkakakitaan ngunit walang sapat na puhunan.

Sa ilalim ng panukala, aayudahan ang mga magnenegosyo na makakuha ng puhunan sa maliit na interes lamang at sa pagbibigay ng simpleng proseso ng pagtatayo ng pagkaka­kitaan.

Paliwanag ni Ca­yetano, sa pamamagitan nito ay hindi na mapupuwersa ang mga ma­liliit na negosyante na pumasok  sa informal microlending scheme na nagpapataw ng napakataas na interes.

Nakapaloob sa panukala ang ‘Tulong Puhunan Grant Program’ para sa lahat ng nagnanais na mapalago ang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng technical at administrative support mula sa MSEs sa ilalim ng top five priority business areas sa kani-kanilang rehiyon gaya ng product development, skills at leadership training, packaging at design, quality control, market promotion, client o supplier matching, financial literacy at planning.

At ang bawat micro-sized enterprise na makikitaan ng potensiyal ng paglago sa ilalim ng programa ay ­maaaring mapabilang sa pagkakalooban ng one-time grant na P500,000.

Bukod sa grant ­program,  mayroon ding ‘Tulong Puhunan Loan Program’ na eksklusibo para sa MSEs na na­ngangailangan ng capital na maaaring makautang ng P10,000 hanggang P250,000 na walang hinihinging collateral at maliit lamang ang interes.

Sa ilalim ng panukala, nasa P18 billion ang inaasahang inisyal na pondo para sa implementasyon ng dalawang nasabing programa sa tulong ng Development Bank of the Philippines, Land Bank of the Philippines at iba pang government financial institutions.

Sa sandaling maipasa ang naturang panukala ay inaasahang tuluyan nang mawawala ang tinatawag na ‘5-6’ na pautang.

Gayundin, nais ng senadora na maipagpatuloy ng panukalang ‘Tulong Puhunan’ ang ­Presyo, Trabaho, Kita (PTK) program na sinimulan ni dating Senador Alan Peter Cayetano noong 2013.

Aniya, sa programang PTK ay may nakalaang seed capital para sa micro businesses at mga mi­yembro ng informal sector kung saan ay umabot na sa 218 organizations ang natulungan.

“We saw through the success of PTK how trust and a humble amount could go a long way to empower small organizations and help its members. We hope to institutionalize this practice through Tulong Puhunan,” ani Cayetano.

Ayon sa senadora, ang MSEs ay kinapapalooban ng 99% ng business enterprises kung saan nakapag-ambag ito ng mahigit 60% na trabaho mula sa naturang maliliit na negosyong itinayo. VICKY CERVALES

Comments are closed.