ITINUTULAK ng isang kongresista na bigyan ng suporta ng gobyerno ang mga maliliit na online business.
Sa ilalim ng House Bill 7698 o ang Online Small Enterprise Support Services Act of 2020 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga small online business na makapag-loan at mabigyan ng grants, registration assistance at training upang matulungan na mapalago ang negosyo.
Partikular na target dito ang mga online business na may annual sales na mas mababa sa P1 million kung saan maaari silang makahiram sa mga government bank. Eligible din sila sa free credit reports, grants at training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang benepisyo.
Makatutulong din ang panukala para makapagparehistro ang mga online business at maiwasan ang anumang government penalty.
Sinabi pa ni Salceda na tagapagligtas ng ekonomiya ngayong may COVID-19 pandemic ang mga small online business.
Gayunman, sa biglang pagsulputan ng mga online business ay marami sa mga ito ang unregistered kaya sa halip na pa-rusahan ay bigyan ang mga ito ng maraming benepisyo at insentibo kapalit ng pagpaparehistro at pagbabayad ng buwis. CONDE BATAC
Comments are closed.