ITINUTULAK ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Transportation Secretary Art Tugade, layon ng programa na magbigay ng tulong, suporta, at ayuda sa mga driver at operator nang hindi nangangailangan ng pagpapatupad ng taas-pasahe.
“Kinakailangang balansehin natin ang pangangailangan ng mga dryaber sa kakayanan ng mga pasahero ngayong pandemya. Kaya imbes na direktang pagtataas ng pamasahe, ayuda sa drayber at ayuda sa pasahero ang itinutulak natin,” ayon sa kalihim.
“Alam naman natin na may ilan tayong kababayan na nawalan ng trabaho. Marami rin naman sa atin ang kababalik pa lamang sa trabaho. Ngayon pa lamang sila bumabawi, kaya sa aming pananaw ay hindi napapanahon na magpatupad ng fare increase.”
Nauunawaan aniya ng kalihim ang mga drayber ngunit kailangan din na unawain ang paghihirap ng mga commuter.
Samantala, inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor na masusi nang pinag-aaralan ng LTFRB ang petition for fare hike na inihain ng mga transport group noong nakaraang linggo.
Dadaan ang petisyon sa mga pagdinig bago ang matukoy kung magtataas ng pamasahe.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOTr at LTFRB sa Department of Energy (DOE) para magkaroon ng uniform discount ang mga pampublikong sasakyan, lalo na ang mga jeepney, sa lahat ng gas station sa bansa.
911337 304841Dead written articles , Truly enjoyed reading . 356886