AYUDA SA PARA ATHLETES

Tom Carrasco

PATULOY ang isinasagawang ‘Ayuda Sa Atleta’ program at sa pagkakataong ito, ang mga bayaning Para athletes sa chess, triathlon, wheelchaiir basketball, athletics, dancesport at badminton ang nakalinyang makatanggap ng ‘eco bag’ na naglalaman ng bitamina, Gatorade drinks, Milo sachets, Alaska products, alcohol, soap, shampoo, toothpaste, at face masks.

“We had to struggle with logistical problems on storage of the donated products from Gatorade, Milo, and Alaska, plus the other items we bought, then the delivery system.With the assistance of PHILSPADA, we were able to connect with different sports groups,” pahayag ni sports journalist Lito Cinco, ang project initiator.

Kabilang sa pick up points ang tahanan ni Cinco sa Taguig, gayundin ang tahanan ni Annette Nelmida, ina nina blind paratriathletes Joshua at Jerome sa Muntinlupa.

Nanawagan si dating Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Tom Carrasco, isa rin sa nagpapatakbo ng programa, sa mga atleta na makipag-ugnayan kina Cinco (0920 9241981) at Nelmida (0917 6263255) para sa maayos na sistema.

“Our big thanks to the many donors and kind hearted companies and individuals, Jean Henri Lhuillier who provided the P250K seed fund, Foton, F2 Logistics, Asian Centre for Insulation Philippines, Alaska, Nestle Philippines, ,Philippine Courier Services, same with individuals who prefer to remain anonymous , the Athletes Commission with Nikko Huelgas, and Annette,” sambit ni Carrasco.

Aniya, nananatiling bukas sa mga nagnanais na makatulong ang programa para masuportahan ang mga atletang Pinoy na direkta ring apektado ng pandemya. EDWIN ROLLON

3 thoughts on “AYUDA SA PARA ATHLETES”

Comments are closed.