TATANGGAP din ng scholarship grant ang mga mag-aaral sa mga pribadong eskuwelahan sa Pasig City na maituturing na “indigent”.
Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ngayong panahon ng pandemya at marami ang nawalan ng trabaho kaya hirap silang makabayad sa mga matrikula sa pribadong paaralan.
May mga private school din ang nanganganib na magsara kaya may mga estudyante na inilipat ng public schools.
Sinabi pa ng alkalde na sa tulong nina Pasig City Rep. Roman Romulo, Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo at buong Sangguniang Lungsod, nagpasa ng ordinansa para i-waive ang lahat ng regulatory fees na binabayaran ng private schools.
Ang Scholarship Fund ng LGU ay extended din sa 3,000 indigent private school students.
Pinatutukoy ni Sotto sa pamunuan ng mga private schools ang mga estudyanteng maaring maging beneficiaries nito
Comments are closed.