NAMAHAGI ng ayuda ang Department of Agrarian Reform ay sa mga magsasaka ng Camarines Sur upang makabangon sa dinaranas na krisis dulot ng pandemya.
Ang suportang ipinamahagi ng DAR ay pangkabuhayan sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Support for Disaster Affected Areas (SLSDAA).
Pinangunahan ni Chief Agrarian Reform Program Officer Rodel C. Martirez, kasama ang ibang mga empleyado ng DAR Provincial Office ay matiyagang tinahak ang daan upang makarating sa barangay ng San Ramon para ihandog ang tulong pangkabuhayan sa ARBs.
Dalawang egg-layering machine ang ipinagkaloob sa mga miyembro ng magsasaka ng San Ramon Farmers and Fisherfolks Association (SRFFA) sa San Ramon, Siruma, Camarines Sur nitong nakalipas na Enero 7.
Sinabi ng DAR, ang mga makina ng itlog ay may kasamang 96 na mga paitluging-manok, 13 na sako ng patuka at gamot para sa mga manok.
“Malaking tulong ang proyekto sa mga ARBs sa Brgy. San Ramon ng Siruma, Camarines Sur sapagkat ang mga itlog na ipinagbibili sa kanilang lugar ay nagmumula pa sa kalapit na munisipalidad ng Tinambac at Calabanga, Camarines Sur. Sa livelihood na ito, makapagsusuplay na sila ng itlog para sa mga taga-rito,” ani Martirez.
Ayon kay Martirez, bago ang turn-over na ito, nauna ng nakatanggap ang SRFAA ng mga hand tractor at rice thresher mula sa SLSDAA noong Agosto 20 ng nakaraang taon. EVELYN GARCIA
Comments are closed.