NANAWAGAN ang Santo Papa ng pag-aayuno o “fasting” kasabay sa paggunita ng “Ash Wednesday” sa Marso 4, 2022.
Sa kanyang livestream mula sa Roma, sinabi ni Pope Francis na para sa kapayapaan ang pag-aayuno para hilingin ang pagliligtas sa mundo mula sa digmaan.
Nagpahayag din ang santo papa ng nararamdamang sakit sa paglunsad ng Russia ng giyera sa Ukraine sa kabila ng mga aniya ay pagsisikap na ayusin ang tensiyon sa diplomatikong paraan.
Apela ni Pope Francis sa mga lider ng mga bansa – seryosong suriin ang kanilang mga konsensiya kasabay ng panalangin na magpigil ang lahat na nasasangkot sa anumang hakbang na lalong magpapalala sa pagdurusa ng tao, magdudulot ng gusot sa mga bansa at magbabalewala sa mga umiiral na international law. Jeff Gallos