AYUSAN ANG BAHAY BATAY SA PRINSIPYO NG 2022 FENG SHUI

AYON sa standard definition, ang Feng Shui ay Chinese geomantic practice kung saan ang istraktura o site ay pinipili upang umayon sa spiritual forces na naninirahan dito.

Ginagawa na ito mahigit 4000 taon na ang nakakaraan, hindi lamang sa China kundi sa buong mundo, dahil sa prinsipyo ng pag-aayos ng bahay, opisina o kahit pa business establishments batay sa kalikasayn at daloy ng enerhiya sa isang lugar.

Maraming konsepto ng Feng Shui na inia-apply para sa specific purposes, pero dahil sa malawakang gamit nito na higit pa sa tradisyunal na Chinese Feng Shui practitioners, nag-evolve ito.

Ang ginagamit ngayon ay modified na sa konseptong mas straightforward pero naroon pa rin ang tunay na layunin: maa­yos ang harmony and balance at maka-attract ng positibong enerhiya ng swerte. Heto ang ilang basic Feng Shui na pwede ninyong sundin.

Feng Shui House Layout base sa Flying Star Chart

Taon-taon naman, talagang may mga swerte at malas tayong nakakasagupa na hindi natin maiiwasan. Pero may para­an para pagaanin ang malas – ang Flying Star chart. Nakapokus ito sa mga lugar ng bahay ninyo na nangangailangan ng cure o mas maraming enerhiya.

Ang Bagua ay inilalagay base sa enerhiya ng taon o compass sa chart. Depende rin sa floor plan para malaman ang mga dominant areas ng bahay na nangangailangan ng treatment.

Ngayong 2022, ang nasa sentro ay ang misfortune star. Makakaapekto ito sa buong bahay at sa mga nakatira dito. Kailangang mag-display ng protection amulet upang labanan ang negative energy sa gitna ng bahay tulad ng 5-ele­ment pagoda figure o Heart Sutra Pillar. Advisable ding magsoot ng protection amulets ang mga nakatira. Pagtuunan ng pansin ang southwest ng bahay para maiwasan ang sakit at magsoot ng anti-illness charm as protection. JAYZL VILLAFANIA NEBRE