AYUSIN ANG GUSOT SA FIGBA

SABONG NGAYON

HINDI ho maganda na ang mga sabungero ay naghihilahan pababa at nang-aapak ng kapwa nila sabungero.

May nakarating ho sa akin na balita na diumano ay kinakawawa ang mga maliliit na magmamanok o gamefowl breeder sa Eastern Visayas o Region 8 ng local counterpart ng isa sa malaking asosasyon ng mga gamefowl breeder sa bansa.

Ayon sa isang tanyag na gamefowl breeder sa Ormoc City na si G. Bernie Tacoy o mas kilala sa pangalang “BGT” sa cocking circle, binabalasubas ng grupong ito ang tunay na diwa ng sabong dahil kinakawawa ang mga maliliit na sabungero doon. Kuwento niya, pinagtatanggal umano ng grupong ito ang wingband ng Digmaan at kapag nalaman nila na miyembro sa Digmaan ay tinatanggal nila sa Bakbakan.

“Itong local ng FIGBA [International Federation of Gamefowl Breeders Associations] ay napakabastos ng mga ito, dati tinatanggal nila ang wingband ng ibang association bago nila kabitann ng Bakbakan. At kung malaman nila na sumali myembro nila sa Digmaan ay iki-kickout nila at ‘di na makakasali sa kanilang palaban,” sabi ni Mr. BGT nang tanungin natin kung ano ang totoong isyu at ayaw niyang  pabandingan ng World Pitmasters Cup (WPC) ‘yung mga Bakbakan banded doon.

“GBAEV [Gamefowl Breeders Association of Eastern Visayas], local association nila dito sa Eastern Visayas napakaabusado ng mga humahawak,” dagdag pa niya.

Paglilinaw niya, nais lamang niyang  ibalik sa grupong ito kung ano ang ginagawa nito sa mga sabungero doon.

“Ang local nila dito walang karapatan ang mga myembro na magreklamo at magtanong. Talagang inaabuso nila ang kasikatan nila dati. Kaya ngayon ibabalik ko lang sa kanila ang kaga…han  nila nung sikat pa sila,” ani Mr. BGT.

Sinabi pa ni Mr. BGT na wini-welcome niya lahat ng gustong magpa-banding kahit noong  nasa Digmaan pa siya.

“Pero ngayon babawi talaga ako sa kanila dito,” ani Mr. BGT.

Paglilinaw pa niya, hindi naman sinasabi ng WPC na huwag i-band ang mga Bakbakan members. Pero siya sa Eastern Visayas ay hindi nya talaga iba-band ang may Bakbakan wingband.

“Galit lang talaga ako sa mga sabungerong nang-aapak ng iba!” sabi pa ni Mr. BGT.

Aba, hindi nga maganda ang pangyayaring ito, mga kasabong. Sana makarating sa pamunuan ng FIGBA national ang problemang ito at kaagad na aksiyunan at ayusin ang gusot ng kanilang local counterpart doon. At sana maging bukas din si Mr. BGT sa pakikipag-ayos sa kanila nang sa gayon ay maging maayos na ulit ang samahan at ugnayan ng mga breeder at sabungero doon. Palagay ko naman madali naman kausap itong si Mr. BGT, ‘di ba, sir?

It is high time na magkasundo-sundo na ang lahat ng mga asosasyon para sa ikabubuti ng lahat. Mas kawawa rito ang ang mga maliliit na sabungero. Kaya tayo nagtayo ng mga ganyang asosasyon ay para mapagbuklod-buklod natin ang lahat ng mga sabungero, hindi para magkawatak-watak, ‘di ho ba? Iisang bangka lang po tayo, ika nga sa awitin ng grupong The Dawn. Kaya dapat kapit-bisig ho tayo, mga kasabong.

Pare-pareho ho tayong mga sabungero kaya dapat hindi tayo naghihilahan at nang-aagrabyado ng kapwa natin sabungero. Sino-sino pa nga ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo ring mga sabungero, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Sana maayos na ang gusot na ito.

6 thoughts on “AYUSIN ANG GUSOT SA FIGBA”

  1. 85119 947629hi!,I like your writing so much! share we keep up a correspondence extra approximately your post on AOL? I call for a specialist on this space to solve my dilemma. Might be that is you! Looking ahead to peer you. 38001

  2. 810775 496214Thanks – Enjoyed this post, can you make it so I receive an email when you make a fresh post? From Online Shopping Greek 584923

  3. 887987 261987whoa, this really is a really good piece of details. I read about something like this before, this is impressively fantastic stuff. 65152

Comments are closed.