Mga laro ngayon:
(Binan Stadium)
4 p.m. – Vietnam vs. Laos (Group B, men)
4 p.m. – Brunei vs. Thailand (Group B, men)
8 p.m. – Indonesia vs. Singapore (Group B, men)
NALASAP ng Filipinas ang dikit na 1-2 decision sa Myanmar sa Group A sa 30th Southeast Asian Games men’s football tournament sa harap ng hometown crowd kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium.
Unang nakaiskor ang Myanmar sa 17th minute nang pagulungin ni Myat Kaung Khant ang bola kay Aung Kaung Mann.
Bumawi ang Young Azkals sa 46th minute nang ipasa ni midfielder Yrick Gallantes ang bola kay Dennis Chung na siyang sumipa naman kay defender Justine Baas para itabla ang laro sa 1-1.
Ngunit naitala ni striker Win Naing Tun ang winning goal sa 79th na naghatid sa Burmese sa ibabaw ng standings na may 4 points habang bumagsak ang hosts sa ikatlong puwesto matapos ang unang kabiguan sa AAA five-team bracket.
Ilang ulit na tinangka ng mga Pinoy na makagawa ng puntos nang pangunahan ni Stephen Schrock ang counter bago ipinasa kay Chung na nakapuwesto malapit sa goal at makapag-layoff kay Baas na tumira pero kinapos.
Sa kanilang unang laro ay nagkasya ang Young Azkals sa 1-1 draw laban sa Cambodia.
Umaasa ang mga Pinoy na makabawi para makopo ang kanilang unang panalo sa pagsagupa sa Malaysians sa Biyernes sa pagpapatuloy ng Group A play.
Comments are closed.