AZKALS BIYAHENG CHINESE TAIPEI

NAKATAKDANG bumisita ang Philippine national team, ipagpapatuloy ang paghahanda nito para sa 2026 FIFA World Cup qualifiers, sa Chinese Taipei para sa una sa dalawang international friendlies sa susunod na buwan.

Idaraos ang laro sa September 8, alas-7 ng gabi, kung saan sisikapin ng Azkals na maiganti ang 2-3 setback kontra Taiwanese sa home noong nakaraang June.

Maglalaro ang Pilipinas sa home sa September 12, alas-7 ng gabi, sa Rizal Memorial Stadium laban sa Afghanistan.

Ito ang magiging unang paghaharap ng Azkals at Afghans magmula noong May 20, 2014 kung saan nauwi sa scoreless stalemate ang kanilang bakbakan sa AFC Challenge Cup.

Ang Pilipinas ay nabunot sa Group F kasama ang Iraq, Vietnam, at ang magwawagi sa first qualifying round sa pagitan ng Indonesia at ng Brunei.

May kabuuang walong direct slots sa final tournament ang nakataya para sa AFC teams, at isang inter-confederation playoff slot.

Ranked No. 70 sa buong mundo, ang Iraqis ang highest-ranked team sa Group F, habang ang Vietnamese ay ranked 95th.

Ang Pilipinas, nasa ilalim ngayon ni coach Hans Michael Weiss, ay kasalukuyang nasa 135th place sa world rankings.
Magsasagupa ang Indonesia at Brunei sa October para sa karapatang mapabilang sa Group F.