BAHAGYANG nabuhayan ng loob ang fans ng Philippine football team na Azkals na makalahok sa 2023 Asian Cup.
Ito ay makaraang suspendihin ng FIFA (International Federation of Football Association) dahil sa isyu ng third-party interference ang India, na kabilang sa 11 teams na nakakuha ng puwesto sa nasabing torneo.
Sa ruling, kapag ang isa sa 11 teams na nakapasok sa torneo ay nalaglag ay maaaring makapasok ang Pilipinas sa 2023 Asian Cup.
“The Philippines is next in line in case one of the 11 teams that earned spots in the tournament proper after the Mongolia qualifiers fails to do so,” sabi ng Philippine Football Federation sa isang statement.
Gayunman, paalala ni PFF President Nonong Araneta na huwag munang magsaya at umasa ang Pinoy fans dahil maaaring humabol ng last-minute compliance sa FIFA ang India.
Bukod sa wala pa ring katiyakan kung kailan magaganap ang nasabing international event, nasa proseso pa ng bidding kung sino ang magho-host ng 2023 Asian Cup.
Kabilang sa mga i’m nais maging host ang Korea, Qatar at Indonesia.