NASA ikatlong puwesto ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia at ika-23 sa Asia, ayon sa latest FIFA men’s football world rankings na inilabas noong Biyernes.
Galing sa panalo at draw sa international friendlies noong nakaraang buwan, ang Azkals ay ranked 135th sa buong mundo.
Nananatiling nangunguna ang Vietnam sa rehiyon sa ika-95 puwesto, habang ang reigning AFF champions Thailand ay nasa 113th spot.
Nagwagi ang Pilipinas kontra Nepal, 1-0, na tumapos sa kanilang four-match losing streak, at nagbigay kay coach Hans Michael Weiss ng winning return.
Gayunman ay yumuko ang Azkals sa Chinese Taipei, 2-3, sa pagtatapos ng June international friendlies.
Patuloy na nangunguna ang Argentina sa world rankings, habang nanatili ang Japan bilang continental leader sa ika-20 puwesto.