(Azurin nagbigay-pugay) MEDALYA NG KADAKILAAN IGINAWAD SA LABI NI SERNA

NUEVA ECIJA- DUMALAW at nakiramay sa pamilya ng napaslang na hepe ng San Miguel Police Station si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa burol nito sa Sta.Rosa sa lalawigang ito.

Sinaluduhan ni Azurin ang labi ni Lt.Col. Marlon Serna bilang pagpupugay sa kaba­yanihan nito matapos ang hot pursuit operation kamakailan sa Brgy. Bohol na Mangga San Ildefonso, Bulacan.

Kasunod nito , nagbigay din ng financial assistance si Azurin sa biyuda ng opisyal na si Rose Serna.

Bukod dito, tinanggap din ng maybahay ni Serna ang “Medalya ng Kadakilaan” sa ipinamalas na kabayanihan ng nasawing opisyal.

Kasamang dumating sa burol ni Serna, si PNP Regional Director BGen.Jose Hidalgo Jr.at ilan pang matataas na opisyal ng pulisya.

Samantala, nananatili naman ang manhunt operation ng binuong Special Investigation Task Group-Serna.

Kasabay nito, umapela si Azurin sa mga law enforcement na madaliin ang paglutas sa mga kaso ng pamamaslang.
THONY ARCENAL