WALANG pinagsisihan si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. kung mayroon siyang nasagasaan sa ngalan ng reporma na kanyang ipinatupad sa organisasyon.
Sa halos siyam na buwan bilang top cop, maraming pagbabago ang isinakatuparan ni Azurin at isa sa kontrobersyal ang pagsumite ng courtesy resignation ng mahigit 950 police generals and colonels na tinawag na 3rd level officer.
Aminado si Azurin na mayroon siyang nasagasaan habang hindi pinakinggan ang mga “bulong” sa kanya ng mga dating matataas na opisyal dahil aniya’y mayroon siyang sariling judgment, style at pag-iisip.
Sakali naman bakbakan siya kapag isa nang private citizen, ay wall naman siyang magagawa dahil part of the job na punahin at and mahalaga ay sinunod nina and tam at mandato bilang pulls.
“My almost 9 months as the chief PNP, siguro marami tayong nabangga na hindi dapat banggain but trabaho lang tayo eh. We set our targets, we were given objectives and I think, generally, I can say that I was able to comply with those targets and objectives. So, no regrets,” ani Azurin.
Si Azurin ay ika-28 hepe ng PNP ay nakatakdang bumaba sa puwesto sa Lunes, sa pagsapit ng kanyang 56 kaarawan na mandatory age of retirement.
Samantala, pinayuhan ni Azurin ang papalit sa kanya na maging matatag lalo na’t krusyal ang paglaban sa droga.
Hindi naman sinabi ni Azurin kung sino ang papalit sa kanya habang inaming mayroon siyang personal choice.
Ngayong araw ay gagawaran ng Testimonial Parade si Azurin sa Philippine Military Academy sa Baguo City kung saan siya nagtapos noong 1989.
EUNICE CELARIO