AZURIN PANGUNGUNAHAN ANG ‘COURTESY RESIGNATION APPEAL’

TATALIMA ang Philippine National Police (PNP) sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na puspusang internal cleansing sa pamamagitan ng courtesy resignation ng police full colonel hanggang general.

Sa official statement ng PNP na pinadala sa PILIPINO Mirror, nakasaad sa huling bahagi na pangungunahan ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagsasailalim ng assessment na layunin ng pagpasa ng courtesy resignation.

“The chief, PNP will be the first to submit himself for the said assessment and evaluation process, Most importantly, the PNP has full faith in he wisdeom of our leaders which are always geared towards the good of the PNP organization and of the country,” bahagi ng official statement ng PNP.

Maging ang Police Regional Office 7 ay nagpalabas na rin ng video clip na suportado nila ang apela ng DILG habang una nang sinabi ni PNP Public Information Office chief Col. Red Maranan na susunod ang PNP sa panawagan ni Abalos. EUNICE CELARIO