NAPILI ng Shiga Lakestars si ace Filipino guard Kiefer Ravena bilang Most Valuable Player ng koponan para sa buwan ng Oktubre.
Ito ay makaraang pangunahan niya ang Lakestars sa 6-3 simula sa 2021-22 season ng B.League sa Japan.
Si Ravena, ng NLEX Road Warriors sa PBA, ay may average na 11.2 points, 4.8 assists, at 1.9 steals kada laro noong Oktubre.
Kikilalanin si Ravena sa kanyang tagumpay bago ang laro ng Shiga laban sa Shimane Susanoo Magic sa Ukaruchan Arena, Miyerkoles.
Sisikapin ng Lakestars na putulin ang three-game skid makaraang matalo sa Kawasaki Brave Thunders noong October 27 at malasap ang back-to-back losses kontra defending B.League champions Chiba noong nakaraang weekend.
Si Ravena ay kumana ng 27 points sa 11-of-16 shooting, bukod pa sa 10 assists at 3 steals sa 89-83 pagkatalo sa Jets noong Linggo.