BABAE BINARIL SA TRICYCLE

QUEZON – ISANG babae na lulan ng tricycle ang nasawi makaraang barilin sa a Barangay Market View, Lucena City.

Sa salaysay sa Quezon Police Provincial Office, minamaneho ni Michael Bonaobra habang lulan ang apat na pasahero nang bigla na lamang itong parahin ng isa sa dalawang suspek.

Binaril sa ulo ang isa mga pasahero sabay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Dahil sa pagkabigla, kumaripas ng takbo palayo ang iba pang mga pasahero matapos ang pamamaril sa biktima.

Samantala, sinubukan pa sanang itakbo sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

Kaugnay nito, narekober naman ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong piraso ng fired cartridge cases with caliber.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakadakip ng mga suspek.