BABAE HUMAHALAKHAK HABANG NA-SUSUNOG ANG BAHAY

sunog

AGUSAN DEL NORTE – PATAY ang isang 49-anyos na babaeng mentally challenged  nang makulong sa nasusunog nilang bahay ka­makalawa ng hapon sa Butuan City.

Ayon sa ulat ng BFP, hindi nakalabas ang biktima na kinilalang si Alma Buendia, 49-anyos, may asawa,  at umano’y may diperensiya sa pag-iisip nang magsimulang lamunin ng apoy ang kanilang bahay na nasa Purok 2, Brgy. Bonbon sa lungsod ng Butuan.

Tinataya namang aabot sa P200,000 ang danyos ng sunog na nagsimula pasado alas-3:00 ng hapon at naidekla­rang fireout matapos ang isang oras.

Nabatid na natag­puan ng mga kagawad ng pamatay sunog ang biktima sa comfort room ng bahay.

Sa salaysay ng i­lang kapitbahay, narinig pa nilang tumatawa ang biktima habang nasa loob ng nasusunog na bahay.

Patuloy pang ina­alam ng BFP ang sanhi o pinagmulan ng sunog. VERLIN RUIZ