BABAE PINAKAMABILIS MAG-TEXT PASOK SA GUINNESS

NASUNGKIT ng isang Pranses ang record na pinakamabilis mag-text  sa paggamit ng cellphone.

Nasungkit ni Rosie Baldwin ang Guinness World Record bilang  pinakamabilis mag-text ng alphabet sa touchscreen mobile phone kung saan nakapagtala siya ng bilis na 7.44 seconds.

Ginanap ang nasabing record breaking event  sa  Cannes Lions Festival of Creativity sa harap ng mga Guinness adjudicator.

Tatagal ang festival hanggang  ngayong araw  kaya  muling  nag-imbita ang mga opisyal ng Guinness sa iba pang participant na subukang talunin ang bagong hawak na record ni Baldwin

Comments are closed.