‘BABAE’ TINUTUGIS SA PAGKAMATAY NG KELOT SA LODGING HOUSE

patay

CAGAYAN DE ORO CITY – ISANG babae ang susi para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng isang lalaki sa lodging house sa  Barangay Kauswagan.

Ito ay upang malaman kung isang bayarang babae o kaya’y kalaguyo ng biktimang si alyas George, 43, at residente ng Brgy Patag ang babaeng kaniyang kasama sa lodging house.

Ayon kay Staff Sgt Hernan Abalde, imbestigador ng Carmen Police Station na batay sa pahayag ng ka-live-in ng biktima noon pang Abril 24 pa niya ito hinahanap matapos mawala.

Gusto umanong malaman ng kinakasama ni George kung sinong babae ang kalaguyo nito na posibleng dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Napag-alaman na mayroong sex enhancement drugs na nakita ang awtoridad sa kuwarto kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.

Pinaniniwalaan na namatay sa cardiac arrest si George at umano’y nakipagtalik sa kasamang babae.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing pangyayari. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.