BABAENG HVI TIKLO SA P788-K SHABU

ARESTADO ang isang babaeng sangkot sa talamak na pagbebenta ng bawal na droga na nakumpiskahan ng P788K halaga ng shabu sa Pasig City.

Ayon kay EPD District Director BGen Wilson C. Asueta, itinuturing na high valued individual (HVI) ng pulisya ang nadakip na si Leah Boston y Olivar, alyas “Leah”, 29-anyos .

Base sa isinagawang joint buy bust operations, naaresto rin ang kasama ng suspek na si Dominador Mallari y Vocal, alyas Diosdado”, 60 -anyos, kapwa residente ng 229 Peras St., Napico, Mangahan, Pasig City.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang 115.9 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P788,120 na nakalagay sa mga plastic sachet.

Ayon kay Asueta, matapos magpositibo sa surveillance operation ay saka inilatag ang buy-bust operation laban sa dalawang suspek. ELMA MORALES