(Babaeng inmates ginawang lover) HEPE NG ARGAO POLICE PINOSASAN NG IMEG

Ildefonso Miranda

CEBU – HULI ng mga tauhan ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang hepe ng Argao Municipal Police Station sa lalawigan.

Matapos na mapag-alamang pinapayagan noong umalis sa selda ang dalawang babaeng preso.

Isa rito ay kasama niya matulog sa kuwarto habang ang isa naman ay naiiwan sa kanyang opisina.

Sa report mula kay Police Col. Ronald Lee, Director ng IMEG, kinilala ang pulis na naaresto na si Police Major Ildefonso Miranda.

Nabatid na ang 2 preso ay drug offender at may kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Police Regional Office 7 director, Brigadier General Albert Ignatius D. Ferro, bawal ang ginagawa ni Miranda dahil gross violation ito ng police procedure.

Natukoy na ang isang preso ay karelasyon ng pulis habang ang isang preso naman ay ginagawang helper ng pulis.

Sa ngayon mahaharap ang pulis na naaresto sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Direct Bribery at paglabag sa Article 156 ng Revised Penal Code na nagbabawal ng ‘Delivery of Prisoners from Jail. REA SARMIENTO

Comments are closed.