HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation security Group (PNP-AVSEGRP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng may dalang bala ng baril sa may departure area ng NAIA terminal 1.
Kinilala ang babae na si Ailene Andrada, residente ng Nueva Vizcaya na nahuli habang bumibili ng pagkain sa isang fastfood chain sa loob ng airport.
Ayon kay Andrada, hindi niya alam na nasa loob ng kanyang bag ang naturang bala na ginagamit niya bilang panlaban sa mga masamang espirito.
Batay sa impormasyon maghahatid lamang si Ailene ng kanyang kamag-anak na papaalis ng aboard nang ma-detect sa x-ray machines ang bala sa loob ng kanyang bag.
Paliwanag ni Ailene nakagawian niya na dalhin ito kahit saan siya magpunta upang makaiwas sa mga masasamang espirito.
Agad na kinumpiska ng PNP ang naturang bala at pinakawalan din si Andrada ng mga awtoridad. FROILAN MORALLOS