ISANG 38 anyos na babae na kabilang sa illegal drug watchlist ng Eastern Police District (EPD) ang nasakote ng pulisya sa naganap na buy bust operation sa Pasig City.
Kinilala ni BGen. Orlando Yebra, EPD-director ang nadakip na si Raquel Rojo y Mejia, nakatira sa #5356 Phase 2,Blk-3, Ilugin, Brgy., Pinagbuhatan sa lungsod.
Nabatid na dakong laas-11 ng gabi kamakalawa nang magsagawa ng buy bust sa pagitan ng suspek at nagpanggap na buyer na tauhan ni Maj. Darwin Guerrero sa Sitio Ilugin sa lugar.
Nakumpiska sa suspek ang ilang transparent plastic drugs na nasa 13.52 grams at nagkakahalaga ng P91, 936.00, anim na tig P1, 000 boodle money at buy bust money.
Kasong paglabag sa RA9165 section 5 at 11 ng article ll ang kinakaharap ng suspek. ELMA MORALES