BABAENG NILIKIDA SA LOOB NG BAHAY

babae patay

COMPOSTELA VALLEY – WALANG buhay nang matagpuan ang 33-anyos na babae na pinaslang sa loob mismo ng kanyang bahay sa Compostela Valley.

Sa ulat ng Compostela Valley-PNP, patay sa ilang tama ng baril ang biktimang si Armie Bernardo, residente ng bayan ng Poblacion ng nasabing lalawigan.

Lumabas sa pagsisiyasat base sa salsaysay ng ilang kapitbahay, ilang araw nang pabalik-balik ang ilang hindi kikilalang kalalakihan sa naturang lugar at hinahanap ang biktima.

Kamakalawa ng gabi nang matiyempuhan ng mga suspek ang babae sa loob ng bahay nito na siyang sinalakay at pinagbabaril.

Narekober mula sa crime scene ang mga basyo ng bala sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril. Kasalukuyan pang inaalam ang motibo ng mga salarin at ang posib­leng pagkakakilanlan ng mga ito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.