BABAENG OMBUDSMAN AYAW NI DIGONG

DIGONG

MATAAS ang integridad at hindi babae.

Ito ang tugon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte nang tanungin kung sino ang posibleng pumalit sa magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Sa panayam ay sinabi ng Pangulo na marami siyang kokonsultahin at maging ang mga insider ng Office of the Ombudsman maliban lamang kay Ombudsman Morales.

“Gusto ko ‘yung bilib ang tao sa integrity niya. Of course, it could not be… Lalo na hindi babae,” giit pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, nakadepende na rin sa Judicial and Bar Council (JBC) kung sino ang kanilang mga ino-nominate sa shortlist ng mga posibleng pagpipilian para sa susunod na Ombudsman.

Sa sandaling matanggap ng Office of the President ang listahan ng mga nominado sa pagka-Ombudsman ay saka lamang bubusisiin ng Malakanyang ang mga credential ng mga mapapasama sa shortlist at pagkaraa’y pi­pili ang Pa­ngulo nang itatalagang Ombudsman na may termino na pitong taon.

Kabilang sa mga kandidato sa pagka-Ombudsman ay sina Edna Batacan, Rex Rico, Rey Ifurung, Felito Ramirez, Rainier Mad­rid, Judge Carlos Espero II, Special Prosecutor Edilberto Sandoval, Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, at Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz.    EVELYN QUIROZ

2 thoughts on “BABAENG OMBUDSMAN AYAW NI DIGONG”

  1. Nice post. I learn something more difficult on distinct blogs everyday. Most commonly it is stimulating to learn content using their company writers and employ a little from their site. I’d prefer to apply certain while using content on my small weblog regardless of whether you don’t mind. Natually I’ll offer you a link for your web weblog. Many thanks sharing.

Comments are closed.