BABAING MAYAMAN: INDEGENA CLASE RICA FILIPINA

Ito ang larawan ng isang Filipina mestiza, Indigena de Clase Rica noong unang panahon. Kuha ito ni Dutch photographer Francisco Van Camp, isa sa mga iti­nuturing na pi­nakamahusay na photographers sa Pilipinas noong unang panahon.

Nagtayo raw si Francisco Van Camp ng kanyang photo studio noong 1875. At sikat na sikat siya sa mga Kastilang peninsulares, gayundin sa mga mayayamang mestizo at mestiza — (half-Filipino, half-Spaniard). May mga nakaukit sa bawat larawang kanyang kinukuha na lumabas sa Ilus­tracion de Oriente noong 1878.

Napakaganda rin ng kanyang kuha sa mga labi ng lindol noong1880 na lumabas naman sa Ilustracion Española y Americana.

RLVN