BABALA LABAN SA ARTIPISYAL NA NAIL SETS NA MAY TOXIC GLUE

IBINULGAR ng EcoWaste Coalition kama­kailan ang ilegal na pagbebenta ng arti­pisyal na nail sets na may kasamang pangdikit na nagtataglay ng isang kemikal na ban sa cosmetic products.

Lumabas ang pagbubulgar na ito matapos na gumawa ang grupo ng test buy sa Divisoria na nakakuha ng mga walang pangalan at hindi rehistradong false fingernail products na may kasamang pandikit na nagtataglay ng dibutyl phthalate (DBP) na makikita sa label.

Sa pamamagitan ng sulat na ipinadala sa Food and Drug Administration–Center for Cosmetic Regulation and Research (FDA-CCRR), ini-report ng grupo ang pagbebenta ng artipisyal na nail sets na ang nakasulat lamang ay “Beauty Nail,” “Don,” “Nail Salons,” “Nail Style,” at “Splendid Nails,” na nagkakahalaga lamang ng P12.50 hanggang  P50 bawat set. Ang mga item ay nabili noong Hunyo 5, 2019 mula sa mga retailer na nasa 11/88 Shopping Mall at Lucky Chinatown Shopping Mall.

“The adhesive that is used to attach the artificial nail to the real one contains DBP, a chemical that has been linked to endocrine disruption, developmental and reproductive disorders, and even cancer,” pahayag ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition.

“We advise consumers, especially girls and women, to shun such products that can expose them to potential harm,” dagdag niya.

Hindi pinapayagan na ang DBP ay gamiting sangkap sa cosmetics sa ilalim ng European Cosmetics Directive, ganundin sa ASEAN Cosme­tics Directive kung saan ito ay nakalista bilang isa sa mga panghalo na hindi dapat o bagay sa komposisyon ng cosmetic pro­ducts,” ani Dizon.

Nag-abiso ang FDA noong 2015 tungkol sa  mga hindi kinilalang pandikit na nagtataglay ng DBP, sabay sabi na ang “DBP ay may kakayahan na magdulot ng allergic reactions” at nagbabala na “there were previous cases where allergic response to DBP was found to be severe.”

“Allergic reactions can induce a state of hypersensitivity in the immune system. It can cause the immune system to respond to chemical exposures with immunological reactions that are harmful, varying from hives to life threatening responses such as anaphy-lactic shock, where low blood pressure and breathing difficulties can result in death,” patuloy na pagbababala ng FDA.

Ang DBP ay ini­lista ng EU bilang isang “endocrine-disrupting compound of high concern.”                 Ayon sa pag-aaral, nakita na ang  DBP ay nagdudulot ng pagkalat ng breast tumor cells at hindi nagiging epektibo ang paggagamot ng anti-estrogen laban sa tumor.

Para mas lalong mapigilan ang mas malawak na distribusyon at pagbebenta ng mapanganib na produktong ito, inudyukan ng EcoWaste Coalition ang FDA na gawin ang mga sumusunod:

1) Magsagawa ng post-market surveillance.

Target ang artificial nail sets na kulang sa kinakailangang product notification;

2) Mag-isyu ng public health warning laban sa mga unnotified nail adhesive na nagtataglay ng DBP;

3)  Manguna sa law enforcement action, kasama ang pagkukumpiska ng mga produktong hindi sumusunod sa mga dapat gawin, sa pakikipag-ugnayan sa mga gobyernong lokal, health at mga awtoridad ng polisya.

Pinaalalahanan din ng grupo ang mga konsyumer na tangkilikin ang nail products na may tamang FDA Certificate of Product Notification at ibinebenta ng mga lisensiyadong manufacturer, importer o dis-tributor.

Comments are closed.