(Babala ng BFAR) ISDA MULA SA OIL SPILL-HIT AREAS ‘DI LIGTAS KAININ

HINDI ligtas kainin ang mga nahuhuling isda sa dagat ng mga lalawigan na apektado ng oil spill, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA)

Ang babala ay ipinahayag ng BFAR sa Bataan Oil Spill Bulletin No. 2 na inilabas nitong Huwebes, Agosto 1.

Sa naturang advisory, pinag-iingat ng BFAR sa pagkain ng marine products ang mga apektadong lugar sa Central Luzon, Calabarzon, at National Capital Region (NCR) matapos makitaan ng kemikal ng petroleum products mula sa sample ng isda na nahuli sa Noveleta at Rosario, Cavite batay sa sensory evaluation analysis ng BFAR.

“Results from the sensory evaluation of fish samples collected from Noveleta and Rosario in Cavite showed some degree of tainting with petrochemicals, albeit before any oil slicks were noticed in the area,” nakasaad sa naturang bulletin.

Hindi naman umano kontaminado ang mga isda sa Tanza at Naic, Cavite nang isagawa ang pagsusuri. Subalit ipinayo pa rin ng BFAR na huwag nang kainin ang mga isdang hinango sa mga lugar na apektado ng oil spill na dulot ng lumubog na barkong MT Terranova, ang motor tanker na may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil, sa Limay, Bataan sa kasagsagan ng bagyong Carina noong Hulyo 25.

Ayon sa BFAR, patuloy ang kanilang monitoring sa epekto ng tumagas na langis sa mga isda mula sa motor tanker simula nang lumubog ito upang matiyak na hindi kontaminado ang mga lamang dagat.

“The Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) has been monitoring the situation in fishing areas that are potentially affected by the oil spill following the capsizing and sinking of the motor tanker (MT) Terra Nova near the coast of Lamao Point in Limay, Bataan on July 25, 2024. Continuous fish sampling is being conducted in affected areas in Region 3, Calabarzon, and the National Capital Region (NCR) for sensory evaluation for traces of oil and grease, and consequent laboratory testing for presence of harmful substances, polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH), to determine if fish and other seafood in these areas are free from contamination and safe for public consumption,” sabi ng BFAR sa naturang bulletin.

“Meanwhile, fish samples gathered from Tanza, Cavite City, and Naic remain free from petrochemical contamination at the time the samples were taken.

Nevertheless, the Bureau maintains that as a precautionary measure, fish harvested from areas where oil slicks are observed be deemed unsafe for human consumption. This is to avoid incidents of food poisoning as a result of ingesting contaminated seafood,” nakasaad pa sa naturang BFAR Bulletin.

Samantala , nagpatupad ng fishing ban ang lokal na pamahalaan ng Limay, Bataan noong Hulyo 30, 2024 sa lugar na pinaglubugan ng barko at idineklarang “no-catch zone” sa lahat ng uri ng lamang dagat nito tulad ng mussels, blue crabs, mud crabs, at clams. Ganoon din sa lalawigan ng Cavite noong Hulyo 31, 2024, dahil sa naturang oil spill.

Ayon kay Cavite Governor Jovic Remulla, pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa lahat ng nagkaroon ng kapabayaan sa naturang insidente ng oil spill dahil sa perwisyong idinulot nito sa karagatan at kabuhayan ng mga mamamayan sa lalawigan, lalo na ang mga mangingisda. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA