(Babala ng DILG) PRANK CALLERS SA E911 WALANG LIGTAS, TUKOY AGAD

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang ligtas ang mga prank caller sa inilunsad na e911 service emergency hotline ng pamahalaan.

Ito ang babala n DILG Sec. Benhur Abalos Jr. kasunod ng isinagawang simulation ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kahapon.

Ayon kay Abalos, gumagamit ng Artificial Intelligence (AI) techno­logy ang sistemang gina­gamit ngayon sa e911 service kaya’t madali nang matutukoy kung sino ang tumatawag gayundin ang lokasyon nito.

Aniya, kahit mga drop call o missed call ay kaya nang matukoy ng sistema kumpara sa dati na mano-mano.

Batay sa datos, mula sa mahigit 4,000 tawag, nasa 500 lamang ang lehitimo habang ang na­lalabi ay mga prank caller.

EVELYN GARCIA