(Babala ng FDA) COVID VACCINES ONLINE PEKE

bakuna

PINAYUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na huwag bumili ng COVID-19 vaccines online dahil pawang peke ang mga ito.

Ayon kay FDA Deputy Director General for Field Regulatory Operations, Dr. Oscar Gutierrez Jr., tanging ang mga COVID-19 vaccines na may emergency use authorization (EUA) lamang ang aprubadong gamitin sa bansa.

Sigurado rin aniya siya na peke ang mga bakunang ipinagbibili online at hindi ito dapat na tangkilikin ng mga mamamayan.

“I am sure that vaccines sold online are falsified and fake vaccines. They should not be patronized by anybody. Otherwise, they are only giving their money to the criminals,” pahayag pa ni Gutierrez sa isang online briefing.

Binigyang-diin ng FDA official na ang mga lehitimo at mga aprubadong bakuna laban sa COVID-19 ay hindi matatagpuan sa internet.

Aniya pa, inisyuhan lamang ng pamahalaan ng EUA ang mga hindi rehistradong bakuna para magamit ang mga ito dahil na rin sa kinaka-harap na public health emergency ng bansa.

Paglilinaw pa niya, ang EUA ay hindi certificate of product registration (CPR) at hindi rin marketing authorization.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga COVID-19 vaccines pa lamang mula sa Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac Biontech, at Gamaleya Institute ang may EUAs sa Filipinas.

Giit pa niya, ang mga naturang lehitimong bakuna ay hindi pa ipinagbibili dahil ang mga ito ay istriktong ipinamamahagi at ipinagkakaloob sa mga mamamayan sa ilalim ng pangangasiwa mismo ng Department of Health (DOH).

Nagbabala rin si Gutierrez na ang mga pekeng bakuna ay walang mga aktibong sangkap laban sa virus, o kung mayroon mang tamang sangkap, ay maaaring hindi naman anila sapat ang mga ito kaya’t hindi ito mabisa at magbibigay lamang ng maling sense of protection sa matuturukan nito.

“Thus, a person [who received the fake vaccine] may get infected and spread the infection in the community,” aniya pa.

Posible rin aniyang kontaminado ang mga ito at may taglay na hazardous substances, na maaaring magdulot ng malalang karamdaman, permanenteng kapansanan, toxicity o di kaya ay kamatayan.

Sinabi ni Gutierrez na sinumang mahuhuling nagbebenta ng pekeng bakuna ay maaaring maharap sa matinding kaparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009. ANA ROSARIO HERNANDEZ

3 thoughts on “(Babala ng FDA) COVID VACCINES ONLINE PEKE”

  1. 848926 80911Pretty part of content. I just stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I get really loved account your weblog posts. Any way Ill be subscribing on your feeds or even I success you access constantly quickly. 265398

  2. 276708 976320Thanks for the auspicious writeup. It in fact used to be a leisure account it. Glance complicated to far more delivered agreeable from you! Even so, how can we be in contact? 24594

Comments are closed.