(Babala ng IMF) 36% NG MGA TRABAHO SA PH MAPAPALITAN NG AI

NAGBABALA ang International Monetary Fund (IMF) na 36% ng mga trabaho sa Pilipinas ang lantad o sinasabing mapapalitan ng articial intelligence (AI).

Ayon sa IMF, aabot sa apat kada 10 trabaho ang exposed sa AI at may potensiyal na palitan ang mga empleyado o pagaanin ang kanilang trabaho.

Sinasabing mas apektado ng makabagong teknolohiya ang mga kababaihan dahil ang mga ito ay nasa industriya ng clerical support, service at sales.

Tinataya namang minimal lamang ang epekto ng AI sa mga trabaho ng kalalakihan dahil ang mga ito ay nasa industriya ng kalakalan, agrikultura, machine operations, at elementary occupations o trabaho tulad ng paglilinis, restocking ng supplies at basic maintenance sa mga hotel, opisina at iba pang estbalisimiyento. DWIZ 882