BABALA NG LTFRB: TANGGAL LISENSIYA SA DRIVERS NA MATAAS MANINGIL

JEEPNEY DRIVER

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator ng public utility vehicles na huwag basta magtataas ng singil sa pasahe nang walang pagsang-ayon ang ahensiya.

Nilinaw ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na nakabimbin  pa ang petisyon ng pagtataas sa singil sa pasahe  sa UV Express, jeepneys,  city at provincial buses.

Nakatanggap ng ulat  si Lizada na ilang mga driver at operators ang nagtataas ng singil sa pasahe dahil sa pagtataas ng presyo ng petrolyo.

Hinimok ni Lizada ang mga pasahero na i-report sa LTFRB Citizen Enforcer Facebook Page ang unauthorized  na pagtataas ng singil sa pasahe ng mga driver.

Makatutulong ang pagre-report sa kanilang facebook page, isama lamang ang plate number  ng overcharging drivers and operators.

May multang  P5,000 sa first offense, P10,000 at P15,000 sa mga susunod na paglabag hanggang sa  mauwi sa pag-revoke o pagbawi sa lisensiya ng mga lumalabag na driver at operator. AIMEE ANOC

4 thoughts on “BABALA NG LTFRB: TANGGAL LISENSIYA SA DRIVERS NA MATAAS MANINGIL”

  1. 745616 635170Im so pleased to read this. This really is the kind of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this very best doc. 722858

  2. Aw, i thought this was quite a nice post. In concept I must set up writing like this additionally – spending time and actual effort to make a great article… but exactly what do I say… I procrastinate alot through no means appear to go carried out.

Comments are closed.