BABALA NG MMDA NGAYONG ‘BER’ MONTHS: TRAPIK TITINDI

TRAPIK

NGAYONG pumasok na ang ‘ber’ months ay inaasahan na naman ang malalang lagay ng trapiko lalo na sa EDSA.

Ito ang babala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng mga gagawing pagkukumpuni sa ilang mga tulay sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA-Special Operations Task Force Commander Bong Nebrija, inaasahan ang pagbigat pang lalo ng trapiko sa mga kaliwa’t kanang Christmas sale na sasabayan pa ng pagsasara ng lumang Sta. Mesa bridge sa Maynila at Estrella Pantaleon Bridge sa Makati City ngayong buwan.

Batay sa abiso ng contractor ng Sta. Mesa bridge, gigibain ang naturang tulay para bigyang daan ang mga barge na magdadala ng mga materyales para sa kons­truksiyon ng skyway project.

Matapos nito ay muling itatayong muli ang Sta. Mesa Bridge na inaasahang tatagal ng hanggang pitong  buwan.

Samantala, ang Es­trella Pantaleon Bridge naman ay nakatakda ring kumpunihin ngayong buwan kung saan nasa 100,000 na mga motorista ang tinatayang direktang maaapektuhan.

Nakiusap ang  MMDA ng  kooperasyon ng publiko.   DWIZ882

Comments are closed.