(Babala ng NDRRMC-OCD) EPEKTO NG SHEAR LINE ‘WAG BALEWALAIN, MAGING ALERTO

NANAWAGAN ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag ipagwalang-bahala ang mga panganib na dulot ng Shear Line na nagdadala ngayon ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa bansa.

Ayon kay Usec Ariel Nepomuceno, Civil Defense Administrator, “As we engage in worst-case scenario planning, it is crucial for everyone to heed the warnings regarding the current weather systems affecting our regions.”

Ang Shear Line  ay bunga ng pagsasalubong ng malamig na hangin mula sa hilagang sila­ngan, kilala bilang Northeast Monsoon o Amihan at ng Easterlies, ang mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan na nagreresulta naman sa ma­tinding pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa ilang pagkakataon, ang matinding pag-ulan na dala ng Shear Line ay nagiging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Isang halimbawa nito ay ang nangyari sa Visayas at Mindanao noong Enero 2023 kung saan 43 katao ang nasawi.

Nabatid na tinukoy  ng Mines and Geo­sciences Bureau ang may  1,632 barangays na saklaw ng 14 na probinsya sa Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at  Central Luzon na lantad sa rain-induced landslides at flash  flooding.

Ayon kay Nepomuceno, dapat makinig ang publiko lalo na yung mga nakatira sa high-risk          areas sa mga babala mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and Geosciences Bureau (MGB) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dapat umanong maging alerto sa kasaluku­yang umiiral na weather systems ang Shear Line, Northeast Monsoon, at  Localized Thunderstorms.

Sinasabing mula Dis­yembre 3 hanggang kahapon ay nararanasan ang heavy rainfall bunsod ng  Shear Line, with heavy to intense rainfall sa  Isabela at Cagayan habang  moderate to heavy rainfall sa  Aurora, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, at  Isabela.

” I urge everyone to heed the warnings and be prepared. Let us always remember: Ligtas ang bayan kung handa ang mamamayan. Nananawagan po ako sa ating lahat na huwag ipagsawalang-bahala ang banta at pa­nganib na dulot ng Shear Line., dagdag pa ni Usec Nepomuceno.

VERLIN RUIZ