(Babala sa mga pasaway) ECQ VIOLATORS MAAARING MAKULONG NG MAHABANG PANAHON- JTF COVID SHIELD

Chief-Supt-Guillermo-Eleazar

NAGBABALA kahapon ang  Joint Task Force COVID Shield sa publiko hinggil sa posibleng pagkakakulong nang matagal ng sinumang maaaresto at ipaghaharap ng reklamo dahil sa paglabag sa home quarantine and social distancing rules na mahigpit na iinatutupad ngayon para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease.

Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T Eleazar, Commander ng  JTF COVID Shield, pinaalalahanan  nito ang  mamamayan na tuloy tuloy ang  proseso sa paghahain ng kaso sa korte kahit na may umiiral na  Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa elec-tronic inquest, o e-inquest na nilikha ng Department of Justice (DOJ) para sa mga pasaway .

Paliwanag ni Gen Eleazar na sinumang mahuli sa paglabag sa umiiral na ECQ, sa ilalim ng e-inquest, lahat ng mahuuli sa curfew at iba pang mga alituntunin kaugany sa  ECQ ay dadalihin sa presinto at ihaharap ang mga ito sa piskal o government prosecutors gamit ang ibatb ibang apps na nagbibigay ng video chat o video conference.

“Kung sa tingin ng ating mga pasaway na kababayan na makakalusot sila dahil sa kanilang akala na sarado ang mga Prosecutor Office, nagkakamali sila. Mayroon po tayong ‘e-inquest’ na ang ibig sabihin ay makakasuhan pa rin sila dahil sa kanilang paglabag sa batas at sa mga panuntunan ng ECQ,” banta pa ni PLt.Gen. Eleazar.

Wala umanong online na kulungan pero may online inquest.“We have an online inquest but there is no online detention. This means that they have to stay in jail until the courts reopen to process their bail,” ani  PLt.Gen. Eleazar.

Dahil walang physical court o aktuwal na korteng puputahan ay magiging problema ng mga mahuhuli kung paano sila maglalagak ng pi-yansa dahil sarado lahat ng korte dahil sa COVID-19.

“Hindi po kailangan na umabot pa sa panghuhuli at pagka-kaso kung susunod lang po tayo sa mga alituntunin para maiwasan ang paglaga-nap ng virus. Alalahanin natin na mababalewala ang ating sakripisyo ng halos isang buwan na ngayon kung patuloy po tayong magiging pa-saway,” pahayag pa ni PLt.Gen. Eleazar. VERLIN RUIZ

Comments are closed.