SOBRANG dami ngayon ng transaction sa online dahil sa holiday season kaya naman mahigpit ang babala ng Philippine National Police na maging maingat ang online users at mga online shoppers habang papalapit ang Kapaskuhan.
Inaasahang sasamantalahin din kasi ng mga scammer ang mga paghahandang ginagawa para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Narito ang iba pang mga paalala ng PNP na dapat isaalang-alang: Manatiling mapagmatyag at iwasan ang pag-click sa anumang “suspicious links.”
Iwasan ang malalaking cash transactions upang maiwasang mabiktima ng mga online scammer.
Huwag basta magbigay ng anumang personal information online kung hindi kilala o mapagkakatiwalaan ang humihingi.
Marami nang kaso ng pambubudol sa online, kaya huwag dumagdag sa mga biktima.
Makinig sa mga babala at paalala.