BABANGON AKO! – JONATHAN

BUSINESS FROM THE HEART

(Pagpapatuloy)

Happy ending ang dasal ni John para sa mga kustumer na ito. Sa loob ng mahabang fifteen years, kayhaba na rin ng kasiyahan ni John sa kanyang piniling business. At naikuwento naman niya ang mga hindi makakalimutang kustumer. Napakamemorable nang minsan na may dumating na napakagandang babae na may kasamang kaibigan na babae rin.  Footspa at body massage ang services na gusto.  Nang mag-usap,  doon nalaman ng staff ni Johnna transgender pala ang napakagandang babae. Right there and then, nagdecide ang receptionist na imbes na babae ang masahista nagagawa,  lalake ang in-assign para sa footspa at body massage nito. Nagwala ang customer. Tinadyakan ang footspa machine at tumilapon ang tubig nito. Porke daw ba na nalamang bakla siya ay lalake na dapat ang magserbisyo kanya?

Operada na raw siya, pinalitan na ng pagkababae ang kanyang pagkalalaki na kasarian.Ipinagdiinan niya: Babae ako! She asked for the owner at humarap si Jonathan. Hiningi nito ang mobile number ni Jon saka nagwalk-out.  Kinagabihan, kinontak ito ni Jon at niyayang mag-usap silanang personal. Dumating naman. Napakaganda nga, sabi ni John sa sarili. Hindi mo mahahalatang bading kapag hindi nagsalita. Emotional ang sinabi nito: John, babae na ako. Nagpa-opera ako sa Bangkok.  At saka sa pasimpleng paraan, ipinakita pa kay John ang vagina nito.  Namangha pa si John, hindi mapigil ang paghanga sa perfect na pagkagawa ng bago nitong kasarian.  Saka nito idinugtong na dahil babae na siya, dapat ituring siyang babae. Hindi raw tama na pinalitan ng lalake ang magsi-service sa kanya na female staff. Sagot ni John, naintindihan naman daw niya ang reaction nito. Pero basta na lamang ba sisisihin ang kanyang reciptionist kung inaakala nito na kahit operada na ang isang bakla ay babae na dapat ituring? May klaro bang batas dito? Hindi ba dapat huwag magalit kundi ipinaliwanag nang maayos sa kanyang receptionist ang kaisipang ito? Jonathan assured the transgender na explanation lang naman ang kailangan at masusunod ang lahat na gusto ng kustumer. Dahil ganoon sa kanyang salon, the client is always right.  Medyo natameme muna at malambing nang sumagot: Oo nga ‘no. Mali ako. Sorry, John. At kinabukasan, bumalik ito sa shop ni Jonathan para magpa- footspa at body massage.  Yes, this time sa female therapist na ipinagkatiwala ng receptionist ang napakaganda nilang  kustumer. Hanga naman si John dahil matapos magwala sa galit, nagawa nitong mag-sorry at maging humble.

Of course, nagkuwento rin si John ng customer na nakakainis.  Tawagin daw natin siyang Jose.  Magpapareserve si Jose ng massage kay Nonie ng 9 PM.  Darating siya ng 10 PM at hindi man lang magso-sorry  na late siya.  Inis na inis tuloy si Nonie na imbes na may nagawa pa siya before 10pm, napako siya sa reservation ni Jose. Ang siste pa, oorder muna ng libreng kape si Jose pagdating nito. Uupo at kukuha ng magazine at hindi kagad sasalang sa massage. Kawawang Nonie na lalong natengga.  Kapag nandoon si John, hihiramin ang mamahaling magazine at iuuwi, wala nang  bumabalik na magazine kahit isa.  Si John pa ang nahihiyang mag-remind na ibalik naman yung mga magazines na hiniram, dahil baka ma-offend ito.  At itong si Jose pagkatapos magkape ng libre,magbabayad ito sa counter at sasabihin na walang shower (or less P30) ang babayaran niya.  Mamimili na ng number ng locker at pipiliin parati ang numbers 1, 2 or 3 (na may towel sa loob).   Ayaw niya raw kasi yumuko kaya iyon daw dapat ang ibigay na locker sa kanya.  Pinagbibigyan naman siya ng cashier dahil matagal na siyang customer. Pero matagal na rin pala niyang gawain ang magshower (using the towel na hindi niya binayaran) bago magpamassage. Kumbaga, gusto lang niyang makatipid ng P30.  At obvious naman na  sinusulit niya ang binayad na P250 through the coffee, magazine at towel (including water and soap).  Inuutukan nito ang negosyo ni Jonathan.  Pero bilang may ari,  hindi magawa ni Jonathan na bumaba sa level ni Jose. Naniniwala rin siya that confronting Jose is not a good idea kasi nga laging tama ang kustumer, iyan ang patakaran sa negosyo. Binago na lang ni Jonathan ang sistema sa kanyang massage clinic.

Mula noon, nanggagaling na ang towel sa cashier,  hindi na sa loob ng lockers 1, 2 and 3.   Naglagay na rin ng tag sa magazines na bawal ipahiramang mga ito kahit kanino.   In 15 years of operation, Jonathan could count 5 to 7 customers na tulad ni Jose. Malaki ang malulugi imbes na kikita ng kaunti.

Pero ano na lang ba ang bilang na ito ng mga frustrating clients kumpara sa mga kustumer na tunay na blessings talaga sa buhay ng negosyo ni Jonathan at mga mababait niyang empleyado? Na kapag pasko ay hindi magkandadala sa mga regalo ang mga hairdressers, manikurista at mga masahista mula sa kanilang mga suki? Kapag may problema sila sa Philhealth, SSS at sa iba pang ahensya ng gobyerno, may tutulong agad sa kanila na mga kliyenteng dito nagtatrabaho?

Nang dumating ang panganib ng Covid19 na kumakalat na sa buong mundo, dinapuan ng matinding takot si Jonathan. Alam niya na maaapektuhan ng virus ang operasyon ng kanyang business. Napakalapit ng distansya  ang paggugupit ng buhok at pagmamassage sa customer. Massage is even a contact service. Kailangang hipuin at hawakan ang minamasahe.   Hindi pwedeng hindi mahawa ang staff kapag natsambahan ng isang customer na positive sa virus. Kaya bago pa mag-order ang Presidente ng lockdown, nauna nang isinara ni Jonathan ang kanyang negosyo. Para sa kanya, mas mahalaga ang kalusugan nila ng kanyang mga tauhan kaysa kikitain nila.  In-advance niya ang suswelduhin ng mga tauhan at nagbigay pa ng kalahating buwan na sahod.  After two weeks,  nagsimula siyang magpadala ng pera sa mga empleyado niya kahit sarado ang negosyo. May regular siyang bigay hanggang sa muling pagbubukas ng John Matthew Salon and Spa.

But as expected, napakahina ng negosyo nang magbukas noong June 7.  Wala pa sa 15% ng regular na kita.  Takot pa ang taong lumabas at isapalaran ang health nila sa serbisyong mabubuhay naman sila kahit wala. Hindi basic necessity ang business ni Jonathan, that is the sad reality. Masakit man pero kailangang magdisisyon it is time to exit.  Hindi niya kaya ang palubog nang palubog na negosyo at wala namang solusyon para maiangat. Hindi mga iresponsable at tamad na mga tauhan ang kalaban. Hindi mga kustumer na tuso at barat ang kaaway. Kundi kalikasan. Mga mayayamang bansa sa mundo ay mga nakadapa na, ang kanya pa bang munting negosyo ang hindi? Hindi bumababa ang rental, maraming bayarin ang pagnenegosyo at ayaw ni Jonathan na kainin ng pagkalugi ang pwede pang maisalba para mabigyan ng huling biyaya ang mga naghihirap na niyang tauhan.

Noong June 30, 2020, sinarado na ang John Matthew Salon and Spa. Binayaran ni John ng separation pay ang mga tauhan at siniguradong maayos kahit papaano ang mga ito sa ganitong napakahirap na panahon ng pandemya.  Nag-iyakan silang lahat sa kanilang paghihiwalay. Karamihan kasi sa mga staff na natira ay more than 7 years nang kasama ni Jonathan.  Parang naging bahagi na raw ng buhay nila ang  shop. Pero lubos ang pasasalamat ng mga employees dahil nakapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak dahil sa negosyo ni Jonathan. Nagsusuporta na nga sa mga magulang ang mga anak na ito.

Binigyan ni Jonathan ng napakaraming gamit at products na kakailanganin ang mga tao niya sakaling gusto ng mga ito na maging free lancer. Maabilidad ang mga Pinoy, makakaraket pa rin kapag ginugusto. Para lang may pagkain na maihahain sa mesa.  Tiniyak ni John na kahit mahigit isang taon ay hindi kailangang bumili ng supplies ang mga hairdressers at manikurista niya habang kumakayod ang mga ito ng kanya-kanya.

Kahit malungkot, natanggap ni Jonathan ang pagsuko sa kanyang negosyo. Una,  three years lang ang idinasal sa Diyos na buhay ang kanyang business pero fifteen years ang ipinagkaloob sa kanya. Pangalawa,  for those years na busy sila sa pagseserbisyo sa kanilang customers  ay maayos pala ang pag-aalaga ng kanyang mga tao sa kanilang pamilya kaya panahon man ng pandemic, babangon pa rin ang mga ito. Pangatlo, ang mga natirang empleyado na kasama niya hanggang sa huli ay karapat-dapat tulungan dahil mga mabubuting tao at marangal sa paghahanap-buhay. Kaysarap sa pakiramdam na ibinabagi niya ang kahit kahuli-hulihan niyang ipon para sa mga ganitong klaseng katuwang sa negosyo.

Pero may pangakong binitiwan si Jonathan habang nakatingin sa sarado nang pintuan ng John Matthew Salon and Spa. Ang malakas na bulong niya sa sarili ay: Babangon ako, hindi pa tapos ang laban. Babalikan ko man ang pinagdaanang hirap magnenegosyo pa rin ako para makamit ang tagumpay at makatulong sa aking kapwa. Tulad ng isang sundalong pagod at sugatan, magpapahinga at magpapagaling lang ako para lumabang muli.

Comments are closed.