BABAWI ANG CELTICS

NAKAAMBA na ang NBA coronation sa Dallas, nalasap ng Boston Celtics, sa halip, ang  most lopsided Finals loss sa franchise history, subalit tangan ang 3-1 series lead, sinabi ni Jaylen Brown na hindi kailangang mag-panic.

“These are the moments that can make you or break you,” wika ni Brown matapos tambakan ng  Mavericks ang Celtics, 122-84, sa Game 4 ng best-of-seven championship series.

“We have to reassemble,” ani Brown. “We have to look at it and learn from it, and then we’ve got to embrace it and attack it.

“It’s going to be hard to do what we’re trying to do. We didn’t expect anything to be easy, but it’s no reason to lose our head.”

Sinabi naman ni Boston forward Jayson Tatum na ang susi para malampasan ang malaking kabiguan ay huwag itong masyadong pag-usapan.

“We’re not making any excuses,” ani Tatum. “We need to be better, and we will.”

Tunay na nakalalamang pa rin ang Celtics papasok sa Game 5 sa Lunes, kung saan muli silang magtatangka na kunin ang record-setting 18th NBA crown.

Tutal naman ay wala pang koponan ang nakahabol mula sa  0-3 deficit upang magwagi sa isang NBA playoff series.

Ang panalo ng Mavericks sa Game 4 ang third-largest margin sa Finals history, at ang pinakamasamang pagkatalo na nalasap ng 17-time champion Celtics sa title series — nahigitan ang kanilang 137-104 loss sa Lakers sa Game 3 noong 1984.

Ang Celtics ay nanalo sa serye na iyon sa pitong laro, at may tatlong pagkakataon pa sila para tapusin ang Mavs.

Subalit mula sa usapin ng sweep, ang katanungan ngayon ay kung paano sila magiging unang koponan na masasayang ang 3-0 series lead.

Samantala, batid ng Dallas ang bigat ng hamon na kanilang kinakaharap.

“History is going to be made either way,” sabi ni Mavericks guard Kyrie Irving, na nagwagi ng korona kasama si  LeBron James sa Cleveland noong 2016. “We’d like to be on the right side of it.

“We waited until game four to ultimately play our best game,” dagdag ni Kyrie Irving. “Took long enough for all of us to get the party together and to play for each other the way we did (Friday).

“But it’s definitely a possibility that we can replicate it.”