NILIWANAG ng Department of Agriculture (DA) kamakailan na 1/3 lamang ng 20,000 baboy na ihiniwalay at pinatay sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang apektado ng African swine fever (ASF).
“Only one-third ng 20,000 na na-cull namin ay ASF-infected. All the rest, natapat lang na nasa one-kilometer radius,” pahayag ni DA spokesperson Noel Reyes sa isang panayam.
Sinabi ng DA spokesman na ang pag-cull ng mga baboy, nahawahan man o hindi, sa loob ng isang kilometrong radius ng suspected farms ay kailangan na mapigilan ang pagkalat ng ASF virus.
“‘Yun po ang protocol, 1-7-10 protocol. Within one kilometer, may sakit o wala, kailangan patayin kasi para ang virus ma-contain,” sabi ni Reyes.
Sa ilalim ng protocol, naka-set ang quarantine checkpoints sa mga lugar sa loob ng 1-kilometer radius ng pinagdududahang hog farms—na mino-monitor ang galaw ng buhay ng baboy, karneng baboy, at produkto nito.
Sa loob ng 7-kilometer radius, gumagawa ang mga awtoridad ng surveillance at nililimitahan ang galaw ng mga hayop.
Binigyan ng mandato ang farm owners na mag-report sa DA ang nasa loob ng 10-kilometer radius ng kahit anong sakit.
Nauna rito, binalaan ni Agriculture Secretary William Dar na papatawan niya ng legal action ang hog traders na hindi tatalima sa mahigpit na animal quarantine rules.
Ang 20,000 baboy na na-cull o namatay dahil sa sakit na ASF sa bansa mula noong nagdaang buwan ay isang maliit na bahagi lamang ng Philippines’ swine herd na tinatayang nasa 12.7 million ulo sa buwan pa lamang ng Hulyo.
Isang malakas na sakit, ang ASF ang nakahahawa sa mga baboy, warthogs, European wild boar at American wild pigs, ayon sa World Organisation for Animal Health o Office International des Epizooties (OIE).
Bagama’t ito ay nakaaapekto sa swine industry, wala naman itong banta sa kalusugan ng tao.
“We want to reiterate to the public that ASF is not a threat to human health,” pagdidiin ni Health Secretary Francisco Duque III.
Comments are closed.