CAVITE – ISANG pampasaherong babybus na kulay berde at may pangalang “Heartbeat” ang tumaob ngayong gabi sa Brgy. San Rafael I, Noveleta sa lalawigang ito.
Nakuhanan ng larawan ni Junelle Pangco ang pangyayari kahapon ng alas-8:15 ng gabi habang nasa balkonahe na katapat ng simbahan ng Aglipay.
Pinilit umano ng driver ng babybus na makaalis sa naturang lugar subalit hindi kinaya ng kanyang sasakyan ang malakas na agos ng tubig-baha.
Nakababa na ang ilang pasahero bago pa ito tuluyang tumaob.
Pansamantalang nasa loob ng simbahan ng Aglipay ang ilang pasahero na naghihintay ng pagrescue.
Wala namang naitalang nasaktan sa pangyayari.
Kilala ang pampasadang baby bus dahil sa kanyang makulay na disenyo.
Namumukod tanging sa bayan lamang Cavite ito matatagpuan subalit namimiligro rin itong tuluyan ng mawala dahil sa pagrepaso ng kanilang mga prangkisa.
SID SAMANIEGO