BABY GIRL INABANDONA, NAKUHA NG TRIKER

ISANG sanggol na babae ang nakuha sa isang compartment ng tricycle kama­kailan.

Ganap na alas-7 ng umaga ng matuklasan ng 31-anyos na tricycle driver na si Mac Leonardo Capuz Dela Cruz, alyas “Braullo” ang bagong silang na sanggol na puro dugo ang katawan na nakadapa at nakabalot sa telang kulay gray, umiiyak ito at tila hinahanap ang inang nag-iwan sa kanya.

Si Braullo ay residente ng Brgy. Tejeros Convention, may asawa at isang anak na babae na edad 7 taong gulang. 9 na taon ng nagta-tricycle sa bayan ng Rosario.

Kuwento ni Braullo, alas-3 palang ng mada­ling ay namamasada na siya at pumipila na sa kanto ng CCAT upang mag-abang ng pasahero.

Ganap na alas-4:05 ng madaling araw ay may nakita siyang isang babae na naka­suot ng kulay dilaw na T-Shirt at kulay rosas na jogging pants na may bitbit.

Aligaga ito at paikot-ikot hanggang makita niya itong pumasok sa isang tricycle na may kurtina.

Lumipas pa ang ilang oras bago usisain ni Braullo ang tricycle na nakagarahe malapit sa gasolinahan na kung saan niya nakita ang babae na pumasok.

Laking gulat ni Braullo nang makita ang isang sangol sa compartment ng tricycle na umiiyak. Hindi na siya nagdalawang isip na itakbo ito sa Rosario Maternity & Medical Emergency Clinic (RMMEC) gamit ang ambulansiya kasama ang Brgy. Investigator na si Cony Alonzo at Kag. Riza Alcantara na Chairman naman ng VAWC ng Brgy. Tejeros Convention.

Agad nilapatan ng solusyong medikal ang natu­rang sangol hanggang bumalik ang natural na sigla nito.

Ang sangol ay tumi­timbang ng 5.94 lbs at naka-intact pa ang pusod sa inunan nito nang isugod ito sa pagamutan. May birth mark din ang sangol sa kanang balikat.

Personal namang kinamusta ni Rosario Cavite Vice Mayor Bamm Gonzales ang baby girl at nagbigay ng gamot, gatas, damit at diaper na nai-turnover sa Department of Social Welfare and Development-Cavite.

Si Braullo ay minsan na ring nagsauli ng IPhone 13 at wallet na lamang P10,000.

Samantala, patuloy ang g imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari para sa pagkakakilanlan ng babaeng nag-abandona sa sangol na maaaring managot sa batas.

SID SAMANIEGO