MULA sa lungsod ng Dumaguete sa lalawigan ng Negros, dinala ng kanyang kapalaran sa Maynila si Pablita Fabulais.
Mabilis ang mga pangyayari. Ilang panahon pa lang siya sa Maynila, ikinasal na siya sa isang Tsino—si Johnny Go na isang matagumpay na negosyante. Married at 14. A mom at 15.
Sa bahay lang siya nanatili at naghahatid at hintay sa mga anak sa kanilang eskuwelahan.
Noong una, nakikita lamang ni Pablita ang mga nanay ng kaklase ng mga anak na may pinagkakaabalahan araw-araw habang nagbabantay sa kanilang mga anak.
Naging curious. Nagnenegosyo pala ang mga nanay. Nagbebenta sa mga kapwa rin nila ina.
NAGSIMULANG MAGTINDA NG SAMPALOK, NAPUNTA SA REAL ESTATE
“Nagsimula ako tinda-tinda ng sampalok. Nu’ng makilala ko ang naging kaibigan ko na nagbebenta ng mga bahay at lupa, du’n ako sumubok nu’ng sumama ako sa kanya. Itinago ko sa asawa ko kasi nga bawal. Kaya tumatakas ako sa school at bumabalik na lang. Nagagalugad ko noon ‘yung palibot ng Mandaluyong. Lakad-lakad lang. Hanap ng mga for sale o for rent. Nagpakasipag ako. Kaya ‘yung una kong benta, ipinakita ko naman ang tseke sa asawa ko. Ayaw niya nga sana nu’ng una pero ang laki ng kinita ko.
“Naranasan ko noon ‘yung ngumanganga na ang sapatos ko sa kakalakad. Wala rin akong takot magtanong sa mga bahay na may mga aso. ‘Yun ang naging simula ko as a realtor. Natututo naman ako along the way kasi tinulungan ako ng mga kaibigan ko.
“Marami ring nagsimulang business under my name. Ang BG. Kailangan kasi palaguin. Para maraming kita. Kaya natutuwa naman ako dahil ang mga anak ko, naging maganda ang buhay. Napag-aral namin sila sa magagandang schools at nagsipagtapos. Mga titulado na sila. Ang panganay ko si Jean, boss sa hotel.
“Pero nu’ng mapasok na ako sa showbiz, I had to ask her to help me take care of our companies kasi nga lumalago pa. Si Patty, boss din sa bangko. And eventually, baka pag-resignin ko na rin para tutok din sa aming companies. Si Pam, gaya nu’ng dalawa is married na rin with a kid at nasa Australia with husband Raf. Ang bunso, si Jerome the only son is graduating na. Apat na ang apo ko.”
NAGING PRODUCER BY ACCIDENT; QUEEN OF MAINDIE FILMS
From realty, nagtuloy-tuloy pa rin to show business.
“May bestfriend ako na nagwo-work in a bank. Doon ako madalas magpunta. Kakain kami sabay-sabay ni tito Romy (Lindain) mo. E, doon din ang bank ni direk Joel Lamangan. Kaya one time, tinanong ako ni big brother (that’s how I call Romy). Kung type ko raw ba mag-finance ng project ng isang director na naghahanap ng puwede niyang maging producer. Ayaw ko nu’ng una. Kaya ako napapayag e, dahil sa apo kong si Adam, na kukunin nila for the movie. ‘Yun na ang start.
“I learned the ropes in movie production dahil suwerte ako sa mga dumating na tao sa akin. Especially my line-producer up to now na nakaka-15 movies na kami, si Dennis Evangelista. The only person I trust when it comes to things na showbiz—projects, scripts, artists, pati media. September 2013. “Lihis” ang aming first project under BG Production International, Inc.”
Her production company earned her the Queen of Maindie Films.
“That was the time na hindi na marami ang movies na ginagawa especially in the mainstream. Ako naman, I just wanted to help sa abot ng makakaya ko. Basta liquid ako, go! Ganyan ang naging patakaran ko. Basta may pera ako, gawa tayo. Ayoko mangutang. Ayoko rin sumosyo. Solo lang ako talaga. And now nakailan na. Ang nagustuhan ko rin kasi, sabi nga nila, ‘di naman kumikita ‘pag indie, ‘yung naiikot siya sa international film festivals at doon pa nagkaka-award. Kaya masaya ako para sa artists at sa production team na nag-effort to come up with projects na maipagmamalaki sa buong mundo. With the help of GMA7 and also ABS-CBN, nadi-distribute naman ang aming mga movie.
“Sabi nila, paano raw ako kumikita? Nakikita lang kasi natin usually, ang box office sales but for business people who really know what they are getting into, meron na ‘yang balik. Hindi naman tayo nag-aaksaya lang ng pera o puhunan. There are many ways para kikita pa rin ang pelikula mo. So, kung may magsabi man na panay naman flop o hindi kumikita ang movies, smile na lang ako.
“Bakit ako aabot sa almost 20 na movies kung walang nangyayaring maganda? E, ‘di sana tumigil na tayo noon pa.”
Marami na nga siyang natulungan at natutukang artista at direktor sa kanyang produksiyon.
“Panganay ko si Joel Lamangan. Then nandyan si Mel Chionglo, Neal ‘Buboy’ Tan, Rod Santiago, bunso si Louie Ignacio, at bago si Joey Romero. But I take pride kapag nananalo ang movie at ang artista. Proud ako kay Allen Sizon, Ana Capri at sa directors.”
PABORITO ANG MOVIES; SHOW IS HER BUSINESS
Madam Baby wears a lot of hats and the movies is her favorite. Mahal niya ang industriya at masasabing show is her business.
“Actually, I will have to meet and know a lot of people in the industry. Honestly, marami pa ako hindi kilala. Hindi ako nakapapanood ng ibang movies, pati TV.”
Included in Madam Baby’s roster of businesses, the BG World Group of Companies are: BG Productions International Inc., BG Showbiz Plus Inc. (Magazine), BG Art Gallery and Antiques International Inc., BG Tamayo Global International Corp. (coffee and supplements), BG Soap Trading and Manufacturer Inc., BG Harris Deliresto Inc., HP Food Processing and Ventures, Inc., Shotis Dimsum Company, Go JP Motor Global International Corp., G JT Trading and Realty Marketing Development Corp., Power Go Money Changer Corp., PC Goodheart Foundation Inc., Julita Salon and Spa, Inc., G&V Clean Washing Laundry Inc., 24-7 Neighborhood Grocery Inc., Go JP Internet Café Corp., Royal Imperial House Trading and Consultancy Inc., Arabian Bahrain Group Constructions and Trading International Corp., Diamond Golden Peace Care Goodheart World Class Global Award International Pageant Philippines, Diamond Golden Peace Goodheart Global World Class International Pageant Philippines Inc., Game Time Hydration Philippines Inc., Go Triple “JP” Merchandising Corp., Ang Dakilang Ina Award Inc., Global Films Production, Mandaluyong Philippines International Film Fesrival Inc.
Where do you wanna apply? May paglalagyan ka. Joke!
Madam Baby is the kind of a businesswoman who can certainly wield a magic wand!
A fairy godmother. An angel in disguise.
She loves honest and trustworthy people and hates cheaters and liars.
“It’s not all about money. Respeto pa rin. Pagmamahal sa trabaho at sa tao.” PILAR MATEO
Comments are closed.