Baby Mochi nina Vic Sotto at Pauleen Luna isinilang na

Muntik nang maging kabertdey ni Superstar Nora Aunor ang second baby ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto.

Isinilang si Mochi ngayong Miyerkules, May 22, dakong 7:00 ng umaga, at gosh, 8.2 lbs ang timbang! Ang laking bata!

Sa gender reveal ng mag-asawa noong Agosto, alam na nating baby girl uli ang magiging anak nila at pinangalanan nga nila itong Mochi. She’s a dragon baby, by the way. Maraming couple ngayon ang gusting gusto talagang magka-baby dahil swerte raw sa negosyo ang mga baby na ipapanganak sa panahong ito. E ano pa ba naming swerte ang hinahanap ng mag-asawang Sotto , gayong nasa kanila na ang lahat.

Congratulations Vic and Pauleen sa bago ninyong baby girl. At Tali, ate ka na! Good luck!