BACCAY CARNAPPING GROUP ARESTADO NG QCPD

BACCAY CARNAPPING GROUP

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga miyembro ng Baccay Carnapping Group sa Quezon City.

Ito ay matapos maaktuhan ang isang lalaki na tinatanggal ang ilang parte ng nakaw na motorsiklo ng mga mga tauhan ng QCPD Anti-Carnapping Unit (ANCAR) sa ilalim ni Chief Insp. Hortencio.

Kinilala ni Esquivel Jr. ang mga suspek na sina  Alex Baccay, 35, Joel Baccay, 25, Francis Baccay, 26, Jane Baccay, 21,  residente ng Manila East Road, Calumpang, Bina­ngonan, Rizal at si Jaime Baluis, 50, ng Sta. Cruz, Manila.

Ayon pa sa ulat, isang biktima ang nagtungo sa tanggapan ng auto repair office at agad iniulat ang nawawala niyang sasak­yan na may plate number na UJH-884 bandanag alas-4:30 ng umaga nitong Lunes sa No. 42B Matapat St., Brgy. Pinyahan.

Ayon sa saksi, bago pa man mawala ang naturang sasakyan ay nakakita na ito ng isang gold Toyota Corolla na may plate number na PML-649, na kahina-hinalang nag-iikot sa lugar.

Napag-alaman din na ang naturang sasakyan ay dati na ring ginamit ng mga suspek sa iba pang carnapping incident sa ­Quezon City at iba pang kalapit na lungsod.  Pangunahing target umano ng mga suspek ang mga truck at closed van base na rin sa CCTV footages at testimonya  mula sa iba pang saksi.

Nagsagawa naman ang mga operatiba ng stakeout operation sa Binangonan, Rizal matapos makatanggap ng   impormasyon, kung saan ginagawang hideout ng nasabing grupo ang lugar.

Kaugnay nito, bandang alas-11:00 ng gabi, ng parehong araw,  nakita ang mga suspek sa Brgy. Calumpang lulan ng To­yota Corolla.

Dahil dito, agad namang sinundan ang mga  suspek na kalaunan ay tinangka pang makipagbarilan sa mga awtoridad at sinubukang tumakas ngunit nakorner sila sa Binangonan, Rizal.

Habang iniimbestigahan ang mga ito, sinabi nila na ang sasakyan ay nabili sa isang nagngangalang  Alvin Rescover at dinala sa isang warehouse sa Ellias St., Brgy. 2281 Sta. Cruz, Manila.

Isang follow-up operation ang muling isinagawa at nadakip naman ang suspek na si Jaime Baluis, habang pinipiraso pa nito ang nakaw na motor na may engine number na 4D32936664 at chassis number FE304B-A68687A.

Nang beripikahin ang naturang motorsiklo, dito na napag-alamang tugma rin ito sa naturang sasakyan na nawawala.

Narekober din ng mga operatiba ang isang motorsiklo na may engine chassis at dalawang sets ng plate number na sasailalim din sa verification  sa Land Transportation Office.

Nahaharap sa kasong violation of R.A. 10883 o the New Anti-Carnapping Law at violation sa P.D. 1612 o Ant-Fencing Law ang mga suspek na nada­kip.         PAULA ANTOLIN

Comments are closed.