PARIS – Sa bisperas ng actual competition ng 17th Paralympic Games nitong Miyerkoles ay nagpahayag si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ng kasabikan na makita ang anim na standard-bearers ng bansa na itayo ang bandera ng Pilipinas at patunayan na magiging inspirasyon sila sa bawat isa.
“The Paris 2024 Paralympic Games will soon commence and our Paralympians are all geared up to showcasing another history for the country. Your fight proves that everybody shares the same goals and successes for Philippine sports,” ani Bachmann.
“The whole country extends our well wishes for the productive campaign of Ernie Gawilan, Cendy Asusano, Angel Mae Otom, Agustina Bantiloc, Jerrold Mangliwan, and Allain Ganapin,” sabi ni Bachmann, na dumating dito upang saksihan ang grand opening ceremony sa Place dela Concorde to the Champs-Élysées.
“This is going to be the biggest squad we can send in the Paralympic Games after 12 years. The Filipinos are more than excited to see your abilities shining on the international stage.”
Nakasuot ng makulay na ethnic-inspired parade uniforms, ang anim na para campaigners ay kabilang sa crème dela crème ng 4,350 athletes mula sa 168 bansa na lalahok sa festive evening rites na gaganapin sa isang outdoor setting simula alas-8 ng gabi (2 a.m. sa Manila) sa pagitan ng dalawang iconic attractions sa City of Lights.
Upang higit na maging kumpetitibo ang PH para athletes, sinuportahan ng PSC ang kanilang training camp sa Nimes, France simula pa noong Aug. 11 upang masanay sila sa kondisyon at makapag-adjust sa Parisian weather na lumalamig araw-araw.
“Your mere appearance in the Paralympic Games completes everyone’s dream for an inclusive sporting community. Laban! PARA sa bayan! Mabuhay ang mga Bidang Bayaning Manlalaro,” pahayag ni Bachmann sa “Sensational Six” ng bansa.
Ang unang atleta na sasalang sa Huwebes sa ala-1 ng hapon (7 p.m. sa Manila) ay si Bantiloc, na sasabak sa women’s individual compound open ranking round sa archery range sa Les Invalides, isang lokasyon na nagpapakita sa French military history.
Sakaling tumapos siya sa top 16 matapos ang round, ang 56-year-old native ng Tanudan, Kalinga ay babalik sa range sa knockout round sa Biyernes para sa isang puwesto sa quarterfinals sa Sabado.
Isang dating powerlifter, si Bantiloc ang unang para archer na kakatawan sa bansa sa quadrennial global sports showcase na tinatampukan ng world’s best physically-challenged athletes.