PANGUNGUNAHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann ang special two-part session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Magbibigay si Bachmann ng update sa paghahanda at kampanya ng bansa sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na buwan at tatalakayin ang iba pang mga plano ng government sports agency, na ang board ay nakumpleto na kasunod ng appointment ni dating PBA player Fritz Gaston bilang ika-4 na commissioner.
Ang Shakey’s Girls Volleyball League ang bubuo sa unang bahagi ng 10 a.m. public sports program.
Ang nalalapit na torneo ay tatalakayin nina Philip Ella Juico, chairman ng organizing Athletic Events and Sports Management Inc. (ACES), president Ian Laurel, Shakey’s Philippines president and CEO Vic Gregorio, at ilang players at coaches ng mga kalahok na koponan.
Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, PSC, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.